1. Bago mo turuan ang iba, turuan mo muna ang iyong sarili. Ikaw muna ang dapat kakitaan ng pagkatuto.
2. Ang kapatid na nangangapit kay Kristo, kahit sumama man ang umaakay, hindi maliligalig sa kanyang paglilingkod.
3. Ang nag-iingat ng kanyang sarili, hindi ginagalaw ng masama at hindi maaaring mahiwalay.
4. Sa lahat ang iyong gagawin, isipin mo ito, “Ang ginagawa kong bang ito ay para sa buhay na walang hanggan, o para sa sariling kapakanan ko lang?”
5. Huli man daw at magaling, mauuna pa rin.
6. Mapanatag ka sa pagkatawag sa iyo.
7. Ang pang-alis ng kabalisahan – panalangin.
8. Kung ang ating hihilingin sa Dios ay para sa ikapagpapatuloy ng ating mga paglilingkod, hindi Siya magdadalawang-isip na ibigay ito sa atin.
9. I-asses natin ang ating mga sarili, baka gumagawa na lamang tayo para sa sarili nating kapakanan.
10. Kung kilala Mo ang Dios, hindi ka gagawa ng mga bagay na labag sa Kanyang kalooban, alam mo ang gusto Niya.
11. Hindi nyo ba naiisip kung gaano tayo ka-swerte? Mas malalim ang pagkakaintindi natin sa mga talata ng Biblia kaysa sa ibang relihiyon.
12. Kung gusto mong patawarin ka, magpatawad ka muna. Kung gusto mong kaawaan ka, magbigay ka rin muna ng iyong awa.
13. Are we concerned? Are we helping God with His plan to win souls? Hanggang ngayon ay nagtatayo si Kristo, dapat kasali tayo.
14. Tapat ang Dios, dapat magpakatapat din tayo.
15. Para kaawaan ka, magiwan ka muna ng iyong mga kasalanan.
16. Papaano ka makakaasa ng awa mula sa Dios kung ikaw mismo ay hindi naaawa.
17. Ang hindi nagtitiwala sa Mangangaral ay hindi giginhawa.
18. Ang pagtalikod sa totoo ay ang ugat ng kasamaan ng tao.
19. Huwag tayong mabalisa, may Dios na nagmamalasakit sa atin, at Espiritung tutulong sa atin.
20. You are not here to live up with the expectations of other people, as long as you know what is right and do what is right.
21. Para magawa mo ang isang bagay, dapat alam mo kung ano ang ipinagagawa sa iyo.
22. Walang bayani na hindi lumaban sa giera.
23. Ang isang mundong walang Dios ay walang kwenta.
24. Masama ang tukso, pero paraan ito upang “patibayin ang dibdib” ng isang naglilingkod sa Dios.
25. Lahat ng mga Dios ay sama-samang gumagawa para sa ikaliligtas nila.
26. Ang pagkakaroon ng kapansanan o kapintasan ay paraan upang maramdaman ang biyaya at kabutihan ng Dios.
27. Ang malinis, ginagamit ng Dios.
28. Malaki ang lugar ng Pilipinas sa puso ng Dios.
29. Ang Kristyano ay nagbabata ng pag-uusig.
30. As long na may tinitiis ka at mapagtiisan ito hanggang sa huli, malaki ang iyong chance sa kaligtasan.
31. Ang kapangyarihan ng Dios ay nagiging sakdal sa oras ng ating kahinaan.
32. Ang Kristiano, habang nahihirapan ay lalong natutuwa.
33. Ang mga napanghihimasukan ni Satanas ay yaong mga walang takot at hindi mapagpigil.
34. Mag-isip tayo ayon sa pananampalataya, lagi nating isipin kung ano ang mabuti.
35. We should spend the most precious of our time for the Lord.
36. Kaya tayo ay may kahinaan o kapinsanan ay upang hindi tayo magpalalo ng labis.
37. We are the master of our faith and the captain of our soul.
38. God has given you the best that you deserve.
39. Kung gusto mong maligtas, wag mong ibigin ang iyong sarili.
40. Ang isang tunay na lalaki ay hindi umaatras sa pakikipagbaka sa katwiran.
41. Everything in this world will remind us of God, even every drop of a leaf from its stem will remind us of His glory.
42. Lalo dapat tayong maging matatag kapag iniistorbo tayo ng kaaway.
43. Ang mga pahayag ng Dios ay nagpapatunay ng Kanyang pagmamahal sa mga naglilingkod sa Kanya.
44. Nakikinig ka man ng katuwiran pero hindi mo ito ginagawa, hindi ka pa rin aariing ganap.
45. Hindi tungkulin ang may kailangan sa atin kung ‘di Tayo ang nangangailangan ng tungkulin upang maligtas.
46. Bilang tagapagturo, dapat alam mo sa sarili mo ang iyong tinuturo.
47. Kung may hinihiling ka sa Dios, gawin mo ang part mo, at kung hindi man Niya ito ibigay, tanggapin mo.
48. You should know first the objective before you do something.
49. We must be ready to be ignored, disregarded, as long as the glory remains to the God in the Heavens.
50. Ang kapatid na marunong maawa sa nangangailangan, pinananahanan ng pag-ibig ng Dios.
No comments:
Post a Comment