1. Sa pagbibilang natin ng mga araw, dapat bilangan mo rin kung anu-ano na ang mga nagawa natin.
2. Pag humiwalay ka sa masama, nagpapakita lang na gusto mo ng kabutihan.
3. Ang pagiging handa sa paggawa ng mabuti ay tatak ng pagiging sa Dios.
4. Dapat marunong tayong magbigay ng konsiderasyon sa kapatid sa Dios. ‘Wag tayong maging mapanggipit sa kapatid.
5. Kung mayroon kang problema, sa gabi, sa panalangin mo… itangis mo lang yan sa Dios.
6. Ang masamang akala sa kapatid ay trabaho ng hindi kumikilala sa Dios. Ipalagay nating mas mabuti ang kapatid kaysa sa atin.
7. Iniiwasan ka ng mga taga-labas? Hayaan mo lang sila… Wala ka naming magagawa doon e, nakasulat naman yan sa Bibliya.
8. Be as happy as you can. ‘Wag lang kayo lalabag sa aral.
9. Kung ang asawa mo, ihihiwalay ka kay Kristo. ‘Wag kang papayag. SAYANG ANG PAGKALALAKI MO!
10. Sa pananampalataya dapat walang babae.
11. Sa paglilingkod, makakaramdam ka ng kaunting kagaanan kung bibigyan mo ng perspektibong sa Dios. Tulad ng panonood ng mga palabas. Isipin mo kung papaano mo ito magagamit sa paglilingkod mo.
12. May mga bagay na dapat tayong tiisin dahil meron kang responsibilidad, may tungkulin ka.
13. Kahit marami tayong tinitiis, wag tayong titigil. Ang isipin natin, mas malaki ang kayamanang nag-aantay sa atin pag nakapag-tiis tayo.
14. Wag nating gawin ang mga bagay sa paraan natin, kundi gawin natin sa paraan ng Dios.
15. Wag nating titignan yung mga bagay na dapat nating tiisin. Yung mga daang dadaanan natin. Kasi pag nakita mong mahirap ang dadaanan mo, mapapagod ka, masisiraan ka ng loob, titigil ka. Ang isipin natin, KAYA NATING LAMPASAN IYON.
16. Meron tayong pwedeng ma-utilize sa pagkatao natin para makatulong sa mga paggawa natin.
17. Kahit mahirap ang tao, hindi gagawa ng masama kung may takot sa Dios.
18. Tuparin natin ang tungkulin natin na pagiging ASIN NG SANLIBUTAN. Maghawa tayo. Anak ka? Paalatan mo mga magulang mo. Asawa ka? Paalatan mo asawa mo. Impluwensyahan natin yung mga malalapit na tao sa ‘tin.
19. Alam mo kung ano ang magagawa ng impluwensya mo sa kanila? Magagawa mong PURIHIN NILA ANG DIOS NA NASA LANGIT!
20. Maging ADVOCATE OF TRUTH tayo, at ‘wag maging advocate ng masama.
21. ‘Wag tayong masanay ng tuloy ng tuloy. Dahil baka may kapahamakang darating sa’tin hindi natin mamalayan.
22. Ang kabutihan, pinamumuhanan yan.
23. ‘Wag nating gawin yung mabuting alam natin just because we want something in return.
24. Every opportunity to do good, we should grab it. Yan dapat ang maging prinsipyo ng isang kristiano.
25. LET US KNOW OUR STAND AS A CHRISTIAN and stand firm on it!
26. Magpakita ka ng mabuting ugali sa barakado, sa mga taga labas… ILAW TAYO NG SANLIBUTAN. ASIN TAYO.
27. Sapat ang Bibliya sa katotohanan, kung may tanong ka, magtanong ka lang kapatid. Lahat ng dudang ipapasok n’yo, HANDA AKONG SAGUTIN.
28. Let us not stop from doing good, doing the word of God. ‘Wag na ‘wag tayong papaapekto sa mga pumipigil sa’tin. Pag tumigil tayo, sinong talo? Sinong natutuwa?
29. ‘Wag kayong magpatuloy sa pakikipagkaibigan sa mga taong puro paninira ang nasasabi, puro mga pahiwalay sa pananampalataya.
30. Pagkampi sa masama ang paghinto sa paggawa ng mabuti.
31. Kung ‘di mo lubusang nauunawaan… ‘WAG KA NANG BIRA NG BIRA!
32. Kapatid, bigyan naman natin ng karangalan si Kristo at ang Ama, PANATILIHAN NATIN ANG PAGIGING MAAYOS NA KRISTIANO.
33. Ang Kristiano, hindi naiimpluwensyahan ng iba, kundi S’YA ANG MAG-IIMPLUWENSYA.
34. Depend in the scriptures, abide in it if you want to be called a Christian.
35. Totoo, pero ayaw mong tanggapin, may hahatol sa’yo. H’wag mong tanggihan ang aral. KAWAWA KA PAGDATING NG ARAW.
36. Mas magaganda ang mga babae sa Iglesiang ito, sa panlabas at sa kalooban.
37. Ang alagad ni Kristo ay nagpapatuloy sa aral.
38. May Espiritung nararamdaman pag nakikita-kita ang mga magkakapatid. Pag naramdaman mo yung pakiramdam na yun, ingatan mo. ‘Wag kang papayag na mapalitan ng iba yang Espiritu na yan.
39. We should live in spirit, not like others living in the flesh.
40. Kaya pumayag ang Dios na pumasok ang panget para makita ang maganda, kaya pinayagang makapasok ang may mga hidwang pananampalataya para magkakilakilala kung sino ang mga tunay na magkakapareho ng Espiritu… pare-pareho ng frequency.
41. Ang “JOY” na nararamdaman pag nakikita-kita ang magkakapatid ay ang KATUNAYANG KAPATID KA TALAGA!
42. Kung gusto nating makatapos ng maayos sa paglilingkod natin, WE HAVE TO CONSIDER TIME.
No comments:
Post a Comment