Friday, June 18, 2010

Minsang Sinabi ng Pantas Part 4

1. Bigyan natin ng buong debusyon ang buhay na walang hanggan.
2. Kung ang masasama napagta-tyagaan ang ibang gawain, ano pa kaya ang mga lingkod sa paggawa ng mabuti na siguradong may kasamang Dios?
3. Ang paghahasik, dapat yung totohanang paghahasik, wag yung sukli.
4. Kung ang isang kapatid, hindi mo man kakilala o ka-close, pero kinakitaan mo ng kat’wiran ibigin mo, pero kung mismong ang nanay mo o mga mahal sa buhay ay walang katuwiran, gumagawa ng masama, itakwil mo.
5. Ang presensya ng Kapangyarihan ng Dios ay hindi naka-capture ng Video and/or Audio, kaya mas mabuti pa rin kung pupunta kayo ng Pasalamat dito sa Apalit kaysa mag-monitor.
6. It is better not to start a work, than leave it undone.
7. H’wag kang mabalisa sa iyong buhay, sumunod ka lang sa Dios at Siya ang bahala sa iyo.
8. Ang pagpapakababa at pagpapasensya ay karunungan ng Dios – alam mong ikaw ang tama, ikaw na ang magpasensya.
9. Ang Kristiano, gumagawa ng kusa, hindi na kailangang may nagbabantay. Hindi gaya ng iba na kung kailan may nakakakita ay doon lang gumagawa. Ang Kristiano ay hindi plastic, may kusang palo.
10. Maglingkod tayong may kasiyahan sa Panginoon. Huwag tayong malulungkot kapag nakikita nating inaapi tayo ng iba, bigyang daan natin ang galit ng Dios.
11. Tayong lahat ay manggagawa ng mabuti.
12. May mga bagay sa mundong ito na hindi na dapat sinasabi dahil mismong ikaw ay nararamdaman o nararanasan na.
13. Ang mga natitisod, hindi nagpapahalaga at umiintindi sa katwiran ng Dios.
14. Lalaban ka sa aral ng Dios? Sawing palad ka! Wala kang masusumpungang ganitong aral sa iba.
15. Pinakamagaling na VITAMINS – Espiritu ng Dios na nasa puso ng lingkod.
16. Ang lagi nating isipin ay kung papaano mapapadali ang ating mga paglilingkod, kung papaano tayo magiging sakdal.
17. Lahat ng ating gagawin, dapat disiplinado ng pag-ibig.
18. Nagkakaroon lang ng halaga ang buhay ng isang tao kapag nakagaganap ng tungkulin sa harap ng Dios.
19. Tanungin natin ang ating mga sarili kung ano ba ang ating ginagawa? Kabahagi pa ba tayo ng katawan? Ang ginagawa ba nating ito ay para sa Dios?
20. Ang mga mananampalataya hindi inaalintana ang kapintasan.
21. Masama yung daing tayo ng daing sa kapwa, dapat sa Dios tayo dumaraing dahil S’ya lang ang makapagbibigay sa atin ng mga bagay na idinadaing natin.
22. Mas magandang walang tao ang nakakaalam ng idinadaing mo sa Dios, para hindi mawala ang privacy ang relasyon natin sa Kanya.
23. Fasting is a form of worship.
24. Ang mananampalataya hindi binabawi ang gawang mabuti.
25. You’re not wise if you’ll only spend everything you have in this world for this flesh, because flesh and blood will not inherit the Kingdom of God.
26. Magsama-sama man ang isip ng mga matataas na tao sa lipunan (Senador, Presidente, etc.) ay walang halaga ito sa Panginoon kung ito’y ipinaglilingkod lamang sa tao.
27. Natutuwa ang Dios sa mga lingkod na bagama’t nahihirapan sa pagtupad, tapat paring sumusunod at natitiis.
28. Ang may pag-ibig, hindi natitisod, UMUUNAWA.
29. Maninidigan tayo sa Katwiran!
30. YOU MUST BE BUSY!
31. Kahit gaano tayo ka-baba, at kahit gaano ka-taas ang Dios, naririnig Niya maging ang mga pinakamahinang daing ng ating mga puso.
32. Ang Kristiano ay inihahanda sa gawang mabuti.
33. Sinasanay na tayo ngayon ng Dios sa pagsunod upang pagdating sa buhay na walang hanggan ay wala nang maging problema.
34. Tumiwala ka lang sa Panginoon, kung gusto Niya, mangyayari ito, kung ayaw Niya, wala kang magagawa
35. Ang magtatyaga hanggang wakas, maliligtas. Ang napagtyagaan mo ng isang taon, kaya mo pa ng isa pang taon, at isa pa, hanggang sa makatapos ka.
36. Kung mananampalataya ka at may pag-ibig na nasa iyong puso, may buhay na walang hanggan na sa iyo.
37. Ang lingkod ng Dios ay laging may kasama, hindi na maiiwasan yon.
38. Ano pa ba ang hinahanap natin? Boyfriend? Asawa? Kayamanan? Sabi sa Bibliya hanapin muna ang Kanyang kaharian at Katwiran at bahala na Siya sa magdagdag ng ating mga kailangan. Di baleng “maiwan tayo sa biyahe”, basta’t mayroon tayong katwiran.
39. Dapat ang pag-awit ay nanggagaling sa puso.
40. Kung mahal mo ang katwiran, itatakwil mo ang iba basta’t mapatunayan lang ang pagmamahal mo sa katwiran. Gaya ni Kristo, maka-katwiran hindi maka-kamag-anak.
41. Ang lalo mong dapat pagpahalagahan at ingatan ay yaong taong natatago sa puso.
42. Kung tayo ay may pagpapahalaga sa salita ng Dios, dapat ay kinakikitaan tayo ng willingness sa pagsunod.
43. Ang mga taong mahal ng mahal mo, pag-aral mo ring mahalin.
44. Ang mga taong kasama natin na naglilingkod, pag-aral nating matanggap. Kahit na siguradong may makikita tayong pangit, hanapin natin ang maganda sa kanya at isiping mas magaling sa ating ang ating kapatid. Sa paggawa nito, tinatanggap na rin natin ang Dios na tumawag sa kapatid na ito gayon din sa atin.
45. May sakit ba ang iyong lupang katawan? Kayang pagalingin yan ng Espiritu Santo ng Dios, magtiwala ka lang, hayaan mo itong manahan sa iyo at alisin mo sa iyong puso ang lahat ng mga kapaitan.
46. Kung naninindigan ka sa Katwiran, kahit na kapatid mo, magulang mo, asawa mo, hindi ito kayang mabago, tanging ang Dios sa langit ang makakapagpabago dito!
47. Sa pag-aayuno, makakakuha tayo ng extrang kapangyarihan.
48. Bilang magkakasama sa loob ng Iglesia ng Dios, dapat magkakasundo tayo.
49. Tinawag ka para ipakisama kay Kristo, hindi para sa kung sino pa man.
50. Kahit na minsang tama ka at alam mong may katwiran ka, magpadaya ka, para matupad mo ang salita ng Dios.

No comments:

Post a Comment