1. Take your stand! San ka ba talaga? Ayaw mong lumaban sa diablo pero ayaw mo ring pasakop sa Dios…
2. Huwag mong hahatulan ang sinasampalatayanan mo.
3. Ang taong hindi ka masabihan ng masasamang bagay tungkol sa ‘yo sa harapan, at sinasabi yon sa talikuran ay isang taong walang paninindigan.
4. May nagkasala mang isang kapatid sa Iglesia, hindi pa rin nababawasan ang totoo sa Iglesia.
5. Kahit sa gitna ng sanlibutan, ipagmalaki nating tayo’y Kristiano!
6. Basta’t hindi lang malapastangan ang aral ng Dios, e ano ngayon kung mawalan ka ng trabaho… hindi dahilan ang trabaho para hindi tayo makasunod sa aral ng Dios.
7. Ang mga taong grasa, nabubuhay kahit walang kayamanan, samantalang ang mga mayayaman maulanan lang, sisipunin, mamamatay. Talagang totoo ang sabi ni Kristo, ang buhay ng tao ay hindi dahil sa kasaganaan ng tinatangkilik niya.
8. Sa’ting mga naglilingkod sa Dios, wag nating aasahang marami ang matutuwa sa atin, ang buong sanlibutan ay nakasalig sa masama.
9. We must always be progressive in faith. Papaano? Idagdag natin ang kagalingan sa pananampalataya, maging magaling tayo sa pag-awit kung tayo ay mang-aawit.
10. Tuparin natin ang buong utos. Ginagawa mo nga ang iba pero mayr’on kang hindi ginagawang isa, nagkakasala ka na sa lahat.
11. Ang lahat ng kabutihan ay may kabuoan.
12. Malaking kapalaran ang makita ang buong liwanag.
13. Ang may mabuting mata, nakikita ang mabuti. Dapat ang ating mga mata ay maging gaya ng bulag na pinadilat ni Kristo, ang hinahanap ay buti lamang.
14. Mag-ingat ka sa kasamang hinahanap ang pagkakamali ng iba, masamang tao yun.
15. Ang liwanag ay hindi katutubong bahagi ng tao. Ito ay unti-unting nabubuo bunga ng kabutihan, katotohanan at katuwiran.
16. Freedom is one of the most precious gift to man from God, through it, we can make things worth appreciating to Him.
17. Sa Iglesia, Malaya tayo pero may limitasyon – hindi natin pwedeng gamitin ang ating kalayaan upang bigyang daan ang laman.
18. You can use your own strategies, intelligence, abilities, your time, and your heart in obeying God’s law.
19. Ang Dios hindi nagbibigay ng maling pag-asa.
20. Ang kweto ni Lazaro at ng mayaman ay nagpapakita ng Hustisya ng Dios.
21. Isipin mo na kaya ka nahihirapan ngayon dahil may mas mabuting bagay na nag-aantay sa’yo sa langit.
22. Kung lingkod ka ng Dios, hindi purki’t nakagawa ka ng masama ay magpapakasama ka nang lubha.
23. Ang kautusan ni Kristo, susundin natin dahil gusto natin, hindi sa kung ano pa man.
24. Don’t wish it was easier, wish you were better.
25. Don’t wish for less problems, wish for more skills.
26. Don’t wish for less challenge, wish for more wisdom.
27. Hwag nating ipanalangin na mabawasan ang ating pasan, ang hingin natin ay tulungan N’ya tayong magpasan…
28. You are what you think. ‘Pag iisipin mong mahina ka, manghihina ka talaga nyan.
No comments:
Post a Comment