Friday, June 18, 2010

Minsang Sinabi ng Pantas Part 7

1. Isang asset ng naglilingkod sa Dios ang pagiging MAHIYAIN.
2. Kay Kristo, ang literal naiko-convert sa Espiritual.
3. Kay Kristo, kahit hindi pwede… PWEDE YUN!
4. Kung gagastusan natin ay si Kristo, h’wag tayong manghinayang. Espiritual yun e, it pertains to something Heavenly.
5. Mahal ng Dios ang nagtitiwala sa Kanya.
6. Ang pagiging kapatid sa Dios, nagma-manifest sa gawa niya.
7. Maging mapagpataan tayo sa mga nagkakasala sa atin, huwag yung itatakwil natin sila agad.
8. Kung ikaw, alagad, makakagawa ka din ng alagad, sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng pagbabago sa iyong sarili.
9. Kaya lang nagiging mahalaga ang buhay kapag ginagamit mo ito sa paglilingkod sa Dios.
10. Ang tungkulin ay isang propesyong walang sinomang taong makakapagpaalis sa’yo.
11. Pagsikapan nating mabuhay sa pagtitiis.
12. Gamitan natin ng panahon ang salita ng Dios…. Hindi tayo magsisisi, dahil magagamit natin ito hanggang sa walang hanggan.
13. Kung kasama mo ang Dios sa gawain… kahit sino na magtulong-tulong!
14. Anong magagawa sa’tin ng kaaway na ikasasama natin.. Dios ang bahala!
15. The people of God cannot afford to be embarrassed when it comes to the word of God.
16. Huwag nating hayaang magkaroon tayo ng tatak ng pagiging masama.
17. Pagsikapan nating makapanatili sa pagkatawag sa atin…. IT’S FOR OUR OWN SAKE!
18. Sa pamamagitan ng pakikihalubilong palagi sa mga kapatid, makakadama ka ng Espiritu. Malalaman mo kung sino ang may laban o wala.
19. Sa mga malalakas, hatakin natin yung mahihina… sa mga mahihina.. ‘WAG NAMAN KAYONG MAGPATIHULOG… MAHIRAP MAGHATAK!!
20. Pag-aralan natin kung papaano kung hindi lamang mag-umpisa, pati kung papaano magpatuloy!
21. Kung dumating man ang oras na kailangan nating mamili… isipin natin kung alin ba sa dalawa ang makakahadlang sa tungkulin natin.. tapos i-drop mo kung ano yung makakahadlang na yun.
22. If your enemy is a tough enemy, he will not let you go on a smooth sailing… and this is imperative in order to achieve salvation.
23. Ang kabanalan, pinagsasanayan yun.
24. Walang kasing sama ang isang tao na helpless na nga eh, ayaw pang humingi ng tulong sa Dios.
25. Ang Dios, pinapaalam sa atin ang ating mga pagkakamali sa pamamagitan ng maraming bagay – sakit, problema…
26. Ang matuwid na hukom, marunong umunawa ng kapwa.
27. Dapat marunong tayong tumimbang nga mga bagay… ibatay natin sa sitwasyon.
28.Ang paghatol, gawa ng Dios yan para i-check din natin ang ating mga sarili.
29.Pag hindi tayo hahatol, hindi tayo karapat-dapat sa buhay na walang hanggan.
30. Your thoughts determine your destiny.
31. Nagtitiis ka man, kung mali naman ang motibo, wala ring kwenta.. dapat lahat ng gagawin mo contributory factor para sa ikaliligtas mo, hindi dahil sa kung ano pa man.
32. Don’t be satisfied kung ano lang ang nasa iyo.. maghangad ka pa ng mas mataas dyan.. hindi naman yan para sa sarili mo lang e, kundi sa enhancement ng paglilingkod mo.
33. Kung kukuha ka ng isang bagong bagay na gagawin, siguraduhin mong yung bagay na hawak mo ngayon ay nagawa mo na ng maayos.. hindi yung iiwanan mo kung ano yung ginagawa mo ngayon tapos hahanap ka pa ng bagong gagawin. Hindi mo rin iyon magagawa ng maayos, ayusin mo muna kung ano yung tungkuling hawak mo ngayon, bago ka maghanap ng bago.
Kung gusto mong makahakbang sa mas mataas na baitang, ayusin mo muna yung mga baitang na nasa ibaba.
34. Mahirap man tayo, maswerte pa rin dahil nasumpungan natin ang lingap ng Dios.. kasama ka sa mga napili Niya. Sapat na dahilan nay an para magpasalamat tayo sa Dios. Huwag lang mawawala sa ating ang pag-asa ng gaya ng pag-asa na kay Lazaro…. Mahirap man ang buhay dito sa mundo, magkakaroon din naman ng kaginhawahan sa buhay na darating.
‘YAN ANG HUSTISYA NG DIOS! Walang pinipili kahit sino… Ang ipinagkait sa atin sa mundong ito ng mga makapangyarihan, mayayaman… gagantihin sa atin ng Dios balang araw.
Kahit wala tayong laman ng bulsa, laman ng tiyan.. mas mahalaga pa rin na mayroon tayong pag-asa.
H’WAG LANG TAYONG MAKAKALIMOT NA TUMAWAG SA DIOS… hindi rin naman sya nakakakalimot magbigay sa paraang alam Niya.
35. Alam ng Dios ang pinakamabuti para sa atin.. kung nakikita Niyang ikasasama natin ang pagyaman, hindi nya iyong ipapahintulot. Isang paraan din yun ng Dios upang makapanatili tayong mababa ang loob at patuloy na tumawag sa Kanya.
36. Kung ang PAG-AASAWA excess na lang, at hindi kailangan sa paglilingkod, wag na… HINDI NGAYON PANAHON NG PAG-AASAWA.
37. ANG PAG-AWIT, PINAKAMATAAS NA ANTAS NG PANALANGIN.
(Awit 40:3)
38. Hindi ang buhay na ito ang dapat nating pagsamantalahan… may darating pang buhay sa susunod, dun tayo umasa ng kaginhawahan.
39. Gusto mong maabot ang kasakdalan? Mabuhay ka ng SIMPLE…AS MODEST AS IT CAN BE.

No comments:

Post a Comment