Friday, June 18, 2010

Minsang Sinabi ng Pantas Part 8

1. Ang maliit na gagawin nating mali, kahit maliit yan, makakahadlang yan sa malaking karunungang dala natin.
2. Kung gusto nating makakita ng buhay, kailangang ang pagsasalita natin walang dungis, walang pandaraya, sa tatay, sa asawa – sa kahit kanino.. lalo na sa KAPATID.
3. H’wag yung makapagsalita lang tayo ng masarap sa pandinig ng ibang tao.
4. May kapahamakan ang pagiging sinungaling, kung ang akala ng iba, ang maliit na pagsisinungaling ay ayos lang, HINDI! Isa yang mikrobyong ikapapahamak ng kaluluwa mo!
5. H’wag nating hayaang maimpluwensyahan tayo ng maliliit na lalang ng demonyo, patayin natin yon! Ang nagnanakaw ng piso, magnananakaw na yan ng P100. Akala ng iba, ang pag-umit ng ballpen ay maliit na bagay lang… darating ang oras mahigit pa sa ballpen ang kukunin nyan.
6. Ang awa ng Dios hindi nauubos para sa Kanyang mga anak, pero h’wag naman nating aabusuhin.
7. Gusto nyong maging perpekto tayo? Ibigin natin ang ating mga kaaway – pag nagawa natin ito, magiging anak tayo ng Ama sa langit.
8. Saan nasusukat ang kasakdalan? Kapag natuto ka nang magmahal sa mga hindi nagmamahal sa’yo.
9. Walang kwenta ang simula kung hindi tatapusin. Lahat ng pinasimulan mo ng mabuti, ituloy mo… MAY AWA ANG DIOS!
10. Gusto mong maging perpekto? LET US DO IT HARMONIOUSLY, as a GROUP! Mahirap pag isa ka lang.
11. Kung tayo’y magtutulung-tulong… HINDI MAHIRAP MAGING PERPEKTO!
12. Ang pananampalataya nakukuha din sa pagbabasa.
13. Kung nagbabata kang gaya ng isang Kristiano – itinatakwil ka, kinasusuklaman, inaalimura…. H’WAG KANG MAHIYA! Kung mga tao sa labas, hindi nahihiyang gawin yung mga masasamang gawain, mas lalong HINDI NATIN DAPAT IKAHIYA ANG PAGSUNOD SA ARAL NI KRISTO!
14. Magising tayo sa katuwiran, mabuhay, at mamatay tayo sa katuwiran.
15. Masama sa tao ang masyadong mahal ang sarili.
16. A Lifetime is not enough to serve the greatness of the LORD!
17. We should be more than willing to work for the LORD until eternity.
18. Ang pag-asa ng ikasasakdal ng mga kapatid ay nasa pagdami ng mga manggagawa ng Dios.
19. Ang pagkatakot sa Panginoon ay yaong PAGSUNOD SA UTOS, MAY NAKAKAKITA MAN O WALA.
20. Mag-aspire tayong gumaling!
21. Mahirap man tayo, maswerte pa rin dahil nasumpungan natin ang lingap ng Dios.. kasama ka sa mga napili Niya. Sapat na dahilan nay an para magpasalamat tayo sa Dios. Huwag lang mawawala sa ating ang pag-asa ng gaya ng pag-asa na kay Lazaro…. Mahirap man ang buhay dito sa mundo, magkakaroon din naman ng kaginhawahan sa buhay na darating.
22. ‘YAN ANG HUSTISYA NG DIOS! Walang pinipili kahit sino… Ang ipinagkait sa atin sa mundong ito ng mga makapangyarihan, mayayaman… gagantihin sa atin ng Dios balang araw.
23. Kahit wala tayong laman ng bulsa, laman ng tiyan.. mas mahalaga pa rin na mayroon tayong pag-asa.
24. H’WAG LANG TAYONG MAKAKALIMOT NA TUMAWAG SA DIOS… hindi rin naman sya nakakakalimot magbigay sa paraang alam Niya.
25. Alam ng Dios ang pinakamabuti para sa atin.. kung nakikita Niyang ikasasama natin ang pagyaman, hindi nya iyong ipapahintulot. Isang paraan din yun ng Dios upang makapanatili tayong mababa ang loob at patuloy na tumawag sa Kanya.
26. Kung ang PAG-AASAWA excess na lang, at hindi kailangan sa paglilingkod, wag na… HINDI NGAYON PANAHON NG PAG-AASAWA.
27. ANG PAG-AWIT, PINAKAMATAAS NA ANTAS NG PANALANGIN. (Awit 40:3)

No comments:

Post a Comment