1. Hindi lahat ng pag-ibig mabuti, may pag-ibig na ikapapahamak.
2. Kahit saang bagay, lalo na kung tama ito, IPAGLABAN NATIN.
3. Everything has its end.
4. Even though the road is rough, let us go ALL THE WAY.
5. In the real sense, Christians are NOT Free.
6. Kung ang kaaway, nag-o-over-time sa paggawa ng masama, dapat tayo ay mag-over-time din sa paggawa naman ng Mabuti.
7. Hindi lalaki ang mga taong nagsusuko ng kanilang tungkulin sa Dios dahil lang sa pag-aasawa, sa mahal sa buhay. Bakit? E temporal lang lahat yan e.
8. Ang lingkod, kahit na nahihirapan naliligayahan pa rin, dahil alam niya na ang ikinapipighati niya ay ang ikapupunta niya sa buhay na walang hanggan.
9. Ang mga bagay na nakikita ay may katapusan – this is Biblically, physically and scientifically true.
10. Masama ang magagawa ng pagiisip kapag hindi ito pipigilan ng Dios.
11. Ano man ang gawin mo, you will be held liable to it.
12. Ang pagbabago sa buhay dapat nagmumula sa atin, tayo ang magpipilit noon sa sarili natin.
13. We should be always ready to give a helping hand.
14. Ang Dios ay may pakiramdam din, nararamdaman Niya maging ang ating nararamdaman.
15. Kaya ng Dios ibigay ang ating mga hinihingi kapag nakakitaan tayo ng katapatan sa puso.
16. Sumpa ang tatamuhin ng mga lalaban sa aral ng Dios.
17. May sumpa ang hindi pakikinig sa salita ng Dios.
18. Walk straight to the Lord. That is the SHORTEST way to salvation.
19. I-analyze natin ang ating mga sarili, tayo ba ay maawain sa kapatid? Nakikinig ba tayo ng salita ng Dios? Kung mayroon tayo ng mga ito, pinananahanan tayo ng pag-ibig ng Dios.
20. Huwag nating hahatulang ang ating mga sarili. Sa paggawa natin nito, para narin nating winawalang halaga ang awa at magagawa ng Dios.
21. Ang Siyensya (Science) hindi kayang tutulan ang Biblia.
22. Dapat matutunan natin.. pag hindi atin, hindi atin. May gustong ituro doon ang langit sa atin.
23. Kung tayo ay naniniwalang may Dios, dapat maghangad tayo ng mas mabuting lupain kesa dito.
24. Madaling panaingan si Kristo, madali S’yang maawa.
25. Ang ating tungkulin ay maihahalintulad sa isang upuan. Kapag ito’y ating iniwanan ay siguradong may ibang uupo dyan, at kung dumating ang oras na nais na natin itong balikan, maaaring hindi na pwede dahil may iba nang nagmamay-ari nito, kaya’t pagpahalagahan natin ito.. gumawa tayo habang may pagkakataon pa.
26. Sa laman, kasiraan ang aanihin (pag-aasawa, pag-inom, pagtatayo ng bahay..)
27. Sa mga taong gumagawa ng masama sa kapwa, hindi ka man magkaroon ng karamdaman, mas mahirap naman ang apoy na naglalagablab sa Impyerno.
28. Ang naaawa sa kapatid, pinananahanan ng pag-ibig ng Dios.
29. Ang totoo, walang sini-sino.
30. Ang tunay na pagmamahal, hindi lang dapat sa puso, kundi kasama ang buong katawan.
31. May mabuting magagawa sa isang tao ang pagkakaroon ng Dios.
32. Kahit anong sakit, kayang pagalingin ng Dios, pero kung yan ang bigay sayo bilang parusa, hindi yan maaalis.
33. Masarap mabuhay kahit na may paghihirap at pagdurusa, basta’t may Dios kang kasama.
34. Kahit na nahihirapan, ang pag-asa’y maiibsan ito, basta’t pumikit ka lang at humingin ng tulong sa Dios.
35. Hindi na kayo kinakailangan pang makakita ng milagro para maniwalang ang pagsasama-samang ito ay may kasamang Dios.
36. The wisest decision to make is to prepare for Eternity. Preparing to be a good friend, a good husband or wife is not a good decision, because the life in this world has its end.
37. Ang Dios, kailanman hindi magkakamali, kaya panghawakan natin ang kat’wiran, ang aral, si Kristo.
38. Ang paggugol mo ng buhay, panahon, oras, kayamanan sa gawain ng Dios, buhay na walang hanggan ang aanihin mo, pero kung ang mga paggawa mo ay nauukol lamang sa lamaan, kasiraan ang aanihin mo.
39. Ang may pag-ibig sa Dios, kung kailangang iwanan ang mga mahal sa buhay para sa gawain ng Dios ay gagawin ito.
40. Pagtyagaan nating gumawa ng mabuti at maipagtapos ito… hindi tayo magsisisi sa huli.
41. Walang kwenta ang ANUMANG bagay compared sa Buhay na walang hanggan.
42. Ang pagkakaroon ng mabuting budhi sa Kapatid at pagkatakot sa Dios ay may pakinabang na malaki.
43. Upang huwag tayong masumpa ng Dios, h’wag tayong magkakaroon ng masamang budhi sa kapatid, h’wag nating ku-kwestyunin ang Katuwiran Niya.
44. Hindi ba’t kaya ka naanib sa Iglesia ay dahil sa aral? E bakit ka nagpapatangay sa mga chismis at bulung-bulungan?
45. Kung ang buhay na ito, napaggugugulan mo ng iyong kayamanan, mas lalo na dapat ang buhay na walang hanggan.
46. Kung tayo ay Tao ng Dios, ang Espiritu ng Dios ang bumubuhay sa atin. I-asses natin ang ating mga sarili, baka ang lupang katawan natin ay pahina ng pahina. Baka napipighati natin ang Espiritu Santo na nasa atin.
47. Salvation is for everybody.
No comments:
Post a Comment