1. Kung may problema ka, huwag mong hayaang maapektuhan ang pananampalataya mo. Hindi ka makakabangon n’yan kung sa gitna ng problema mo ay papabayaan mo ang tungkulin mo, BOOSTER YAN. Kapag naapektuhang ng problema ang paggawa ng tungkulin, hahatakin ka n’yan pababa. May problema ka, HARAPIN MO, pero hindi dapat yan ang makapagpahiwalay sa’yo sa pananampalataya mo, hindi yan ang makakapagpahina sa’yo. Balik tayo sa BASIC! “walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo…”
2. ITO ANG 3 BASIC NA IKINABABAGSAK NG TAO:
Pagmamahal sa sarili (egocentric, di pagtanggi sa sarili) (ex. Cain)
Marteryal na bagay / pera (ex. Binatang mayaman)
Pakikinig sa tinig ng iba (asawa, babae,) maliban sa Dios (ex. Solomon)
Si JOB pasado sa 3 ito, kaya siya naging dapat sa Dios. Kaya itong tatlong ito ang ginamit ni Satanas na pangsubok kay JOB kasi ito ang 3 BEST BLOW nya! Kung malagpasan mo yan, PANALO KA NA, may kasama ka ba namang DIOS e!
3. Huwag tayong malimitahan ng mga bagay na nakikita lang natin. Pwede naman tayong maging creative basta’t hindi lalabas sa rules.. sa ARAL.
4. Tuwing tatayo tayo sa harap ng mga kapatid para umawit, dapat hindi tayo motivated na para maging sikat ka, o para hanapin ang crush mo, o dahil sa may nakakakita, o para lang sa kung ano mang bagay. Dapat MOTIVATED tayo ng FAITH – na ang ginagawa nating iyon ay magdadala sa atin sa kaligtasan.
5. Pag mataas ang morale mo, Ganado ka sa paggawa ng tungkulin, inspired ka, pero dapat tama ang inspiration mo… si Kristo.
6. Ang aim natin sa grupo dapat HINDI LAMANG MAGPADAMI NG MIYEMBRO, kundi PATIBAYIN DIN ANG PUNDASYON NG GRUPO.
7. Pag may gagawin tayong isang bagay, tignan din natin ang POSITIVE at NEGATIVE sides nito.
8. Naiintindihan man natin o hindi, IKABUBUTI NATIN ANG UTOS NG DIOS!
9. Walang utos ang Dios na walang dahilan.
10. Hindi mahirap maging maligaya.. pag lingkod ka ng Dios, pinipighati ka man, masaya pa rin.
11. Kung naglilingkod tayo sa Dios, HINDI LAHAT NG BAGAY SA MUNDONG ITO AY MAKUKUHA NATIN!
12. Sabi nga ng iba, “Let’s cross the bridge when we get there.” MALI! Dapat, alam na natin ang gagawin natin bago palang tayo tumawid.
13. Kung mabagal tayo sa pag-amin sa kamaliang nagagawa natin, hindi natin mapapansin malaki na ang damage na nagawa sa atin tsaka pa lang natin mare-realize ang mali natin.
14. Huwag ang mangyari sa buhay natin ay repair tayo ng repair sa mga pagkakamaling nagawa natin kahapon, tapos kinabukasan magre-repair ulit tayo. Dapat, ang aim natin sa bawat araw ay makagawa ng mabuti para dumating man bukas ay hindi na tayo kelangan mag-repair pa. Nauubos ang oras natin sa pagre-repair ng mga mali natin kahapon hindi na tayo nakakagawa ng mga bagong bagay na mabuti.
15. Isipin nyo ito, sa isang pitik lang ba eh iiwanan natin ang mga paghihirap natin ng ilang taon? Dahil lang sa isang bagay na panglaman ay iiwan natin ang ating mga sinumpaang tungkulin? Ganon, ganon na lang ba yon? It’s not worth it!
16. Wine-welcome natin ang Dios pag nagbabanal tayo, pero parang pinapaalis natin S’ya pag puno ang puso mong galit, poot, inis…
No comments:
Post a Comment